Monday, March 29, 2010

All About March

Hays malapit na matapos ang March..Kakainggit yung mga student dahil bakasyon na nila, wala na silang pasok and syempre Congrats sa mga magsisipaggraduate this year, mapaelementary, highschool and college ang saya nila. Well kabaliktaran naman sa amin. Syempre tuloy tuloy pa rin ang pasok kahit gustu mo magbakasyon eh hindi pwede. Makakapagbakasyon ka lng kung "Basta Tapos yung deliverables" meaning kung hindi tapos hindi pwede kung tapos pwede ganun lng yun. Well intro lng yan, naisipan ko lng magupdate ng blog sa ngaun kasi ngaun lng ako ngkaroon ng time kaya susulitin ko na habang meron pa akong naiisip na maiiupdate dito sa blog namin ni insan..

Ang gusto ko lng ilagay dito is yung mga nangyari or experience ko or namin ni insan B this month. Hahahah wala lng ok sige eto na:
1,Naranasan kong maiyak sa sobrang inis dahil gutom.. Oo dahil sobrang gutom. Gabi na nun sa office di pa ako umuwi dahil may tinatapos. syempre di pa ako nakakapagdinner niyaya ko si insan B para kumain..imbis na oo/sige yung sasagot aba ang sabi eh "mamaya mga 9 hintayin mo ako" adik super gutom na kaya ako nun well ako naman naghintay ako til 9 kahit gutom na ako..pagkaraan ng ilang minuto 9 na kaso mukhang nakalimutan nya ata sige hintay pa ako 30 mins wala pa rin hanggang dumating yung 10 1 hr na nkakalipas wala kaya ngpasya na akong umuwi..Inis na ako nun dahil nghihintayan lng pala kami.. yun dun tlga ako nainis di ko alam kung sa knya or dahil inis ako dahil gutom lng talga ako..pero mali talga si insan di nya dapat ako pinaghintay hmp.

2,Ilang beses rin kaming nagkakasalisihan, isang araw sya nman yung ngyaya magice cream so sabi ko sige pagkasabi ko ng tara tumayo na ako sa upuan ko at lumabas..hinintay ko sya sa elevator ng konti hanggang sa bumukas yung elevator going down kaya sumakay na ako sa baba ko na lng hihintayin si insan..pagdating sa baba hinintay ko sya hayyy ang tagal almost 15 mins ko syang hinintay nun wala pa rin, kaya umakyat na lng ulit ako...den pagkadating ko sa cube ko nagtext sya na nasa baba na raw sya hinihintay ako hayys yoko ng bumaba noh...kaya sya na lng mgisa umalis..Kasi naman sabi nya kada aalis sya may humaharang sa kanya kaya di sya makaalis agad...hay naku watever kaya yun everytime na baba kami dala ko na yung cp ko..lessons learned.(pansin ko lng ha di ko sya pinghihintay kapag sya ngyaya pero nung ako ngyaya pinghintay ako....thats unfair).

3, May time na sumunod ako sa hospital dahil nagtext sa akin si insan B na pumunta sya ng hospital dahil di nya kaya yung sumsakit nyang tuhod (ganyan kasi kapag tumatanda na :P joke lng) Dis oras na ng gabi yun..kawawa naman nag iisa kaya sumunod ako. pagdating ko dun kita ko sya sa may sulok nakupo walang kausap..wawa talga :D kaya yun sinamahan ko na muna sya hanggang sa paglabas namin. At dahil dun first time ko kumain sa tintawag nilang jollyjip..haha ok naman yung food kaso standing position nga lng buti nga abot ko pa eh pero oks lng nabusog din ako nun..kasi kesa naman sa totoong jollybee na ilang lakaran pa e syempre hirap mglakad si insan kaya dun na lng..after nun hinatid ko na sya pauwi ang arts arts nga e ayaw pa nya pahatid hanggang bahay well sige sinunod ko na lng din sya..kasi dapat sundin yung mga nakakatanda so fine nagpahatid lng sya hanggang tapat ng boarding house nila den dispatch na rin ako..

4, This month na to lng naexperience ko mag OT ng sobra sobra as in inaabot na ako ng umaga sa office..Grabe para sa akin di na normal yun yung mag ot ka ng bonggang bongga.. di na rin normal yung pagtulog ko dahil di ako makatulog ng bandang 1 - 3 am
dahil siguro nasanay na,,,hayy naku naman gustu ko naman maranasan ulit yung umuwi ng may araw pa or yung maliwanag pa tulad ng dati..hahah di naman ako masyado bitter..totoo naman kasi :P

5, Last nagbirthday ako sa office ang saya saya noh..Minsan tuloy naiisip ko kada nalng bday ko lagi na lng nangyayari yung ganito..stressed,dami iniisip..iniiisip ko na lng after nito happiness... how I wish.

6, Minsan na lng din kami ngkakakwentuhan ni Insan B dahil nga walang time..Minsan logical break namin bumili kami ng something makakain sa baba den diretso kami sa tambayan ayun kwentuhan, joke time na naman kahit sumasakit na ulo ko dahil sa stressed hala sige pa rin sa tawa kasi alangan naman kasi pigilin ko e panget naman yun di ba..hahaha ganun lng den balik ulit office..

So yun lng yung mga updates ko this month since pabye bye na si March e padating naman si April hmm summertime na. anu naman kaya updataes this coming April..outing?haha..Si insan B na mguupdate ng blog daya lagi na lng ako..Kaw naman San..aabangan ko..:D

No comments:

Post a Comment