Saturday, February 27, 2010

3 1/2 hrs...Friday Night Gimik.

02/26/2010- Friday

Friday and rest day ko actually mula pa nung Thursday. Bumabawi lng sa nakaraang Linggong superb busy at stressed whoah. Masarap magbakasyon at magpahinga kaso kakabored din kung sa bahay ka lng..para di ako mabored pumunta ako ng mall..lakad dito lakad dun tingin dito tingin doon...

hays kaka pagod at badtrip pa nun nawala ko yung ring na binili namin ni insan nun..kaya ayun hanap dito hanap doon din yung ginawa ko sa mall unfortunately di ko na nakita yung ring :( pag kauwi ko tinext ko agad si insan na may kasalanan ako sinabi ko na nawala ko yung ring and ok lng daw..(matapos ko hanapin halos dumapa na ako sa sahig para lng makita tapos oks lng daw :P) anyways bili na lng ako ng kapareho nun pero iba pa rin yung una..
Buti na lng may remembrance ako ng ring bago pa mawala.

10:00 PM ng magyaya si insan na labas kami so sabi ko sige try ko tumakas hahaha what a word TUMAKAS meaning aalis ako ng di magpapaalam, di ko alam kung anu pumasok sa isip ko na gwain yun..Pero nung time na yun di man lng ako kinakabahan na bka mahuli ako sa gagawin kong pag eskapo sa bahay..Hinintay ko matulog lahat ng nsa bahay...kaso si Papa mukhang walang balak matulog may gana pang magsudoku..ang kulit ayaw pa matulog 11 pm na hayss kala ko matutulog na pero humiga pa sa sala at tutok pa rin dun sa sinsagutan nyang sudoko..naghintay pa ako ng 15 mins hanggang sa nagdecide na matulog si papa..hahaha ayan pwede na tumakas pero syempre need ko muna makasiguro na tulog na lhat mahirap ng mahuli at syempre First time to so dapat di pumalya..ayos naman nakaalis ako ng di nila alm na gigimik ako nung time na yun..:P

Nagkita kami ni Insan sa labas ng office at diretso kami syempre saan pa edi sa Market2 ulit. Dating pwesto ulit..walang nakaupo sa pwesto namin wala lng nkakatuwa..Eto na naman kami papakabusog. 2 fridays ang nagdaan ng gumimik ulit kami kaya namiss namin yung moment at bonding.

So ang inorder namin is Longganisa rice(pero parang di lng longganisa parang Giligans rice kasi di lng longganisa kasi yung sahog) Garlic chicken, pinakbet, at syempre walang kamatayang Grilled pusit (my favorite)..Panalo talga sarap ng kain namin mukha kaming magkagalit nung kumakain walang nagsasalita eh..The best talga nakalimutan kong nga tumakas lng ako sa amin hehehe..after ng isang masarap na dinner syempre diretso kami sa park dun kami nagkwentuhan ng kung anu ano..Namiss ko talga yun kasi nung nkaraang mga araw di kami nakakapag usap ni insan sa office kasi nga busy lalo na sya..Kaya ganun na lng yung kulitan namin parang 1 week di nagkita..hahaha Isa pa sa nalaman ko kay insan na hilig nya kumain ng sundae ice cream lalo na kung stress sya..Feel na feel nya kainin yung ice cream na nasa cup..Ninanamnam nya talga bawat subo..hahaha parang feel ko nga ngaun lng sya nakatikim ng ganun uri ng ice cream :P..

Pansin ko lng kapag regular days normal na dami lng ng food yung pang isang order lng (tulad nyan nasa pic) yung kinakain namin ni insan compare pag Friday night.
Good for 3-4 person yun inoorder namin..hahaha wag lng sana kami lomobo well minsan lng naman...hehehe sarap kumain eh pag Friday :)

2:30 am decide na kami umuwi..kasi need ko na umuwi ng maalala ko na eskapo lng ako nung time na yun at pansin ko pagod na rin si insan haggard na nga itsura eh..3:00 am
saktong nasa bhay na ako..Dahan2 pumasok ng bahay kasi takot na mahuli..

Pagbukas ng gate =success (buti di tumahol si tutsie yung aso namin, sinalubong nya lng ako)
Pagbukas ng pinto(dahan2 para di makagawa ng ingay)= Successs
After nun nagpalit agad ako ng pantulog..Oks ligtas na ako parang walang nangyari nakapag net pa ako ng 1 hr bago matulog..hahaha unforgettable talga tong ginawa ko First time nga eh..at kahit 3 1/2 hrs lng yung gimik namin ni insan e sulit naman kasi una nakapagbonding kami kahit papano at pangalawa di alam sa amin na gumimik ako tanging si tutsie lng nakakaalam(our pet dog)o di ba..

No comments:

Post a Comment