Saturday, February 27, 2010

3 1/2 hrs...Friday Night Gimik.

02/26/2010- Friday

Friday and rest day ko actually mula pa nung Thursday. Bumabawi lng sa nakaraang Linggong superb busy at stressed whoah. Masarap magbakasyon at magpahinga kaso kakabored din kung sa bahay ka lng..para di ako mabored pumunta ako ng mall..lakad dito lakad dun tingin dito tingin doon...

hays kaka pagod at badtrip pa nun nawala ko yung ring na binili namin ni insan nun..kaya ayun hanap dito hanap doon din yung ginawa ko sa mall unfortunately di ko na nakita yung ring :( pag kauwi ko tinext ko agad si insan na may kasalanan ako sinabi ko na nawala ko yung ring and ok lng daw..(matapos ko hanapin halos dumapa na ako sa sahig para lng makita tapos oks lng daw :P) anyways bili na lng ako ng kapareho nun pero iba pa rin yung una..
Buti na lng may remembrance ako ng ring bago pa mawala.

10:00 PM ng magyaya si insan na labas kami so sabi ko sige try ko tumakas hahaha what a word TUMAKAS meaning aalis ako ng di magpapaalam, di ko alam kung anu pumasok sa isip ko na gwain yun..Pero nung time na yun di man lng ako kinakabahan na bka mahuli ako sa gagawin kong pag eskapo sa bahay..Hinintay ko matulog lahat ng nsa bahay...kaso si Papa mukhang walang balak matulog may gana pang magsudoku..ang kulit ayaw pa matulog 11 pm na hayss kala ko matutulog na pero humiga pa sa sala at tutok pa rin dun sa sinsagutan nyang sudoko..naghintay pa ako ng 15 mins hanggang sa nagdecide na matulog si papa..hahaha ayan pwede na tumakas pero syempre need ko muna makasiguro na tulog na lhat mahirap ng mahuli at syempre First time to so dapat di pumalya..ayos naman nakaalis ako ng di nila alm na gigimik ako nung time na yun..:P

Nagkita kami ni Insan sa labas ng office at diretso kami syempre saan pa edi sa Market2 ulit. Dating pwesto ulit..walang nakaupo sa pwesto namin wala lng nkakatuwa..Eto na naman kami papakabusog. 2 fridays ang nagdaan ng gumimik ulit kami kaya namiss namin yung moment at bonding.

So ang inorder namin is Longganisa rice(pero parang di lng longganisa parang Giligans rice kasi di lng longganisa kasi yung sahog) Garlic chicken, pinakbet, at syempre walang kamatayang Grilled pusit (my favorite)..Panalo talga sarap ng kain namin mukha kaming magkagalit nung kumakain walang nagsasalita eh..The best talga nakalimutan kong nga tumakas lng ako sa amin hehehe..after ng isang masarap na dinner syempre diretso kami sa park dun kami nagkwentuhan ng kung anu ano..Namiss ko talga yun kasi nung nkaraang mga araw di kami nakakapag usap ni insan sa office kasi nga busy lalo na sya..Kaya ganun na lng yung kulitan namin parang 1 week di nagkita..hahaha Isa pa sa nalaman ko kay insan na hilig nya kumain ng sundae ice cream lalo na kung stress sya..Feel na feel nya kainin yung ice cream na nasa cup..Ninanamnam nya talga bawat subo..hahaha parang feel ko nga ngaun lng sya nakatikim ng ganun uri ng ice cream :P..

Pansin ko lng kapag regular days normal na dami lng ng food yung pang isang order lng (tulad nyan nasa pic) yung kinakain namin ni insan compare pag Friday night.
Good for 3-4 person yun inoorder namin..hahaha wag lng sana kami lomobo well minsan lng naman...hehehe sarap kumain eh pag Friday :)

2:30 am decide na kami umuwi..kasi need ko na umuwi ng maalala ko na eskapo lng ako nung time na yun at pansin ko pagod na rin si insan haggard na nga itsura eh..3:00 am
saktong nasa bhay na ako..Dahan2 pumasok ng bahay kasi takot na mahuli..

Pagbukas ng gate =success (buti di tumahol si tutsie yung aso namin, sinalubong nya lng ako)
Pagbukas ng pinto(dahan2 para di makagawa ng ingay)= Successs
After nun nagpalit agad ako ng pantulog..Oks ligtas na ako parang walang nangyari nakapag net pa ako ng 1 hr bago matulog..hahaha unforgettable talga tong ginawa ko First time nga eh..at kahit 3 1/2 hrs lng yung gimik namin ni insan e sulit naman kasi una nakapagbonding kami kahit papano at pangalawa di alam sa amin na gumimik ako tanging si tutsie lng nakakaalam(our pet dog)o di ba..

Monday, February 15, 2010

Kwitis,,,, hahaha!

02-15-2010

haha... ay sorry.. cnsya na di ko mapigilan matawa dito... nag out kasi kami ni insan around 12:30... gingaya ko ung way ng pagsasalita ni gerald.. napunta kami kay rocket..
not sure kung eto tlga ung model nia basta lam ko muscle car cia..

not exactly this one pero ill try to search for the real model..



>> ganda ni Rocket ah compare sa kwitis mo san!!! harhar so pano mo yan mapapaganda?

ok... so since may rocket cia...

in gerald's tone:
"you see,,, i really like KWITIS.. my dad is about to throw him na nga e... pero when i saw him.. grabe love at first sight!.. took him... konting linis lang to ok na cia ulit!"


hahahahah!!! cge nga tingnn natin kung cnung mekaniko makakapagpaandar nito!:D

>>Nyahahahahha!!!!!:) San naman yan na ba si KWITIS aww kawawa naman..pero sabi mo nga kanina konting ayos lng yan magiging perfect na yung aura nya...KWITIS adik ka san..di ko rin mapigilan tumawa lalo nat naalala ko yung kwento mo.. Anu ba yan..may naisip lng ako if ever na maayos si KWITIS sana mameet nya si Rocket o di ba para match cute di ba si Rocket at si KWITIS...:P


o cia cia.. yoko nmn ng pangit na ending for Kwitis... so heto na.. lets just say dumating ang pinakahihintay ni kwitis.. ang knyang fairy car mother.. hahah... presenting KWITIS!!!

tantananantanan!!!



>>>Wow hanep ang ganda ni KWITIS...galing akalain mo yun yung kaninang bulok na animoy wala ng pag asaka imake over ngaun sosyalen na ang dating..LovE it..ganda!!! KWITIS..wooohoo :)

Sunday, February 14, 2010

02/05/2010 - Unwind (Gimik Time)

Friday - 02/05/2010 TGIS!!! Dating gawi after work since friday nagyaya si insan na magunwind after the whole week na kastress sa work. Ayan na naman kami walang exact place kung saan kami pupunta basta kung saan na lng maisipan at kung anung food trip kainin..

9 pm nag out na ako sabi ko kay Insan B na kita na lng sa may tambayan...then yun nga hinintay ko sya dun while waiting tinitingnan ko yung mga building ang ganda kasi pag gabi at yung mga sasakyan na dumadaan sa harap ng building na kinatatayuan ko...sarap din ng hangin kasi malamig,at tahimik yung place kaso lng medyo madilim konti lng kasi ang ilaw dun sa kinaroroonan ko kasi naman ineng nasa likod ka kaya ng building..toinkzzzz...5 7 9 12mins hmm bakit wala pa si insan tagal naman?? hayyss madali me atakihin ng katopakan sa paghihintay..waa bakit ang tagal nya..pumunta ako ng convenience store para dun magstay atleast dun nakaupo ako dun pahuhupain yung nagaalburuto kong mga nerves sa utak na ewan. Yan dumating na si insan and napansin nyang tinoyo na naman ako..

Mga Ginawa ni insan B para lng bumalik ako sa mood:
1. Nag sorry
2. Nag Explain bakit natagalan
3. Bumili ng ice cream (kaso wala pa rin natunaw lng yung ice cream den saka tinapon sayang...kasi naman mag aalok ng ice cream kung kelan gutom ako nu ba!!)
4. Kinulit na maglakad lakad (wala pa rin)
5. Niyayang kumain (uyyy epektib den yun unti unti ng ok na ulit kami...:P since pareho naman kami nakared carry na hahaha...kung titingnan para lng kami nagtratrabaho sa isang hardware shop naman kasi ganun yung color ng uniform nila eh)

Tara na sa Giligans!!!


Aun nga sa Giligans kami dumiretso dating place dating upuan.. As usual may pattern kami ng gustung kainin..una di nawawala yung may sabaw so first order Sinigang na baboy 2nd order Pork Sisig 3rd order Baked Mussell(Tahong) last Adobong kangkong..Same pa rin yung p romo na every 400 na order may 4 na ice tea at isang rice good for 4 person..hanep gutom talga kami!!!Panalo pa rin masasarap yung food and naubos naman namin except may natirang konting sinigang at rice pero konti lng naman the rest ubos..


Pero ooops teka first time lng to nangyari di nakayanan sa sobrang busog need ko magcr dyahe..asar talga..aun dali dali kami lumabas ng resto at pumunta sa cr..Pero syempre bawal ako samahan ni insan sa cr hahahah...so sya nmaan ngaun yung naghintay sa akin sa labas...

After nun salamat ok na yung pakiramdam ko gaan ng feeling..hahaha buti na lng maganda yung cr ng market2X natuwa ako...Aun diretso sa park kwentuhan ulit,jokjok time, tawanan,kulitan ganun lng den after nun uwian na..:)

Teka dun sa day na yun meron akong gustung pasalamatan bukod kay insan B..Syempre gustu ko magThank you dito:


At gusto ko magsorry dito:


So San next time na bili ka ng ice cream make sure di ako gutom..haha:P

02 14 2010 Valentines day... maginsan hang-out




well its valentines.. papayag b nmn si insan B not to make insan G feel special? CYEMPRE HINDI!

ok its saturday and we are both required na pumasok kasi sa dami ng tasks for the project.. so aun..

kadating ko sa office.. dala ko choc ni insan G.. di ko tlga lam panu ibibigay.. kasi baka makita sa office.. e madalas pa nmn kami inaasar.. so aun.. pinapunta ko cia sa cube ko tapos nilagay ko cia sa upuan ng katabi ko.. kadating nia.. aun.. hinila ko..
natuwa ako sa reaksion ni insan G nung nakita nia ung chocs na bgay ko.. im glad na gustuhan nia...(di nia lam panu mag react... obvious san!)

>> adik ka san. Nagulat lng ako noh..Nagabala ka pa kasi..pero tnx love it..obvious ba hahaha :P

OK.. biglaan lang to.. around 6 to 7 getting ready na kami kasi punta kami ng star city.. oo biglaan... talagang wala sa plano(wel dun kami magaling hehehe...) iniwan na namin mga gamit namin para wala kaming dala.. laki kasi ng bag ko.. since andun ung laptop na iuuwi ko...nag taxi na kami papunta sa starcity kasi kala nmn til 11.. aba pagdating dun sobra dami ng tao...


una gnwa nmin is ung mga games with free toys.. kakaasarkasi di tlga ako makakha ng big toy.. lagi ako nagmimintis.. dati nmn hindi :( sad tlga .. di ko man lang nabgyan si insan G ng malaking stuffed to galing dun.. :( we went and prchased ride all you can... kaso kala maraming tao lang... un pala SOBRA DAMING TAO!... una kami pumila sa pila ng fatima college.. haha. astig feeling students!

>> San oks lng yun..marami nmaan tayung nakolektang maliliit na stuff toys. Ang cute cute nga eh. Infairness ha napuno yung bag ko ng mga small stuff. Tsaka effort mo lahat yun kung bakit ka nakakuha ng mga yan..ako nga wala e puro mintis..:P

so insan next time punta tau ng weekdays.. like wednesday or thursday.. heheh :D

nung andun na kami dun n lang kami pumila sa anchors something.. kamukha cia ng anchor's away sa enchanted kingdom.. and bump car.. eto lang nasakyan namin..hay naku san.. bakit ba ayaw tau takutin sa horror house? hahahaha! 3 of 3 HH walang nanakot!!

>> Baka nman kasi takot sau. Baka takot sila na masapak mo sila..hahaha para lng tau naglakad sa bodega ng mga manika..walang thrill pero oks na rin yun atleast di rin ako natakot di ba..

snow world... malamig.. cyempre snow world nga e... aun.. dun kami,, kaso si insan G..naka skirt so aun nilamig!! hahaha..

>> Well di ko naman kasi akalain na pupunta tau ng star city at mag snow world kung alam ko lang edi sana nag pants ako at nagsneakers nang makapagslide tau dun. sayang di tau nagtagal dun..kasi naman halos di ko na maigalaw mga daliri ko sa paa at umaakyat na yung lamig sa kin..tsk tsk tapus nung balik naman tau dun for second time around wala na closed na...Sayang talga..Next time:P

balik kami ni insan dun some other time.. ung makakapag ride all you can na kami.. :)

i really dont care kung di kami sumakay,,, gusto ko lang tlga kasama cia.. masaya kasi.. as in tangal stress ko.. hehe CHEEEESY!!!

>> Pero kinabukasan naman di ka nakauwi sa inyo..dahil napagod buong maghapon..Pero San Tnx ha.. HAPPY VALENTINES!!! 02/14/2010

Lessons learned:
ang airport taxi.. P70 ang start ng meter tapos every palit is P4 ... hahaha

Tuesday, February 2, 2010

"First Date" Nga Ba? :)




01/30/2010 - Saturday

It's a Saturday, me and my bestfriend are going to meet in mrt boni station...pero nagbago yung plan kung anu oras magkikita at kung saan...heheheh Actually ako ang salarin :0..Late kasi ako dumating kaya si inzan sa Taft station na ako hinintay kasi di pwede maghintay ng more than 1hour dun sa station...Nung pagkatext sa akin na ganun na nga yung plan ang naisip ko agad na baka magalit sa akin si inzan..naku patay 1st date pa naman naming magbestfriend(ayun sa kanya)e masisira pa simula pa lng..and worst ako pa yung nagplan kung anung exact time at lugar magmemeet :) peace naman..Hayz salamat buti na lng pagkakita ko sa kanya sa may TAFT station oks pa nman sya di naman sya nagalit..Ang bait naman ni inzan :).

ewan ko ba bat di ko magawang mainis sa knya.. pagdating nia nakasmile p nga ako e


>> ayaw mo ba ng pinaghihintay ka? mainipin ka ba? madali kabang mainis kapag matagal yung hinihintay mo. Kung sakaling ibang tao yun at hindi ako maiinis ka ba?

So ok na sumakay na ulit kami ng LRT1 papuntang Central Terminal station. Ang target naming puntahan ay yung SM Manila which is pareho naming di alam kung pano papunta..buti na lng nagresearch ako kung paano hahaha...kaso ganun din nangapa pa rin kami at nagtanung tanong kay ZAIDO(guard)..

Yun na nga nakita na namin sa wakas!!!While we are walking with matching holding hands (uyyyyy moment ni insan.. kilig) ang daming studyanteng tumatambay sa park, yung iba nagprapraktis at yung iba diretso sa mall...feeling namin estudyante ulit kami na after school e diretso sa mall..





Before we enter to the SM Manila mall, napadaan kami sa may mga nagtitinda ng mga street food which is nakakamiss talga.. So since feeling studyante binalikan ulit namin yung mga pagkaing mabenta sa labas.. anu pa nga ba isa na dyan yung tuknene, fisshball,kalamares, isaw ng manok?...etc......Wow busog buti na lng di kami nagkasakit sa tyan..:P

san tukneneng... kelan pa cia naging batang babae? itlog un san... itlog..

>> ang alam ko tuknene talga e..pwede ring buknoy yung kasi tawag ng iba.

Ayan na nasa mall na kami nakapasok na rin kami sa wakas..diretso agad kami sa moviehouse para manood ng sine at para makaupo na dahil sakit na ng paa ko eh sobra hayyyyys...Syempre pag manood ng sine di mawawala ang popcorn(butter kasi kulang sa asin), drinks at isang footlong hotdog na walang bread kaso di masyado masarap dahil mukhang kanina pa luto na medyo makunat na hindi juicy kasi di maiinit???gets? ah basta ganun yung lasa..

After 2 hours manood ng sine, 2 hours din kami walang imik, di nagsasalita parehong sa movie nakatutok...saka lng ulit kami nagusap nung end na ng movie..

Rate for the movie (Paano na Kaya)
1 - 10
Para sa akin rate ko sya as 5, di sya ganun kaganda, mababaw

same here 5 lang

8:00pm na, lumabas na kami ng mall its time for dinner na..So ayon sa plan pumunta kami ng baywalk sa may Roxas bld para dun mag dinner and expect namin na its a nice place at matutuwa kami pero nyeeeekkk di na sya ganun kaganda at hangin na malalanghap mo di namain alam kung san galing kung sa dagat ba or sa hangin lng talga..hahahah


Dahil konti na lng yung time namin at medyo magggabi na dumiretso na kmai sa Max dun na kami nag dinner ni insan...Masarap naman yung food as usual fried chicken at sinigang lng naman yung inorder namin...sarap busog after kumain..:P Syempre di na nwala sa amin yung kwentuhan kasunod nun is tawanan..hay grabe di ko talga mapigilan tumawa kapag magkasama kami na tipong kami lng yung tao ata walang pakialam sa paligid.

10:30pm time na para umuwi..Dahil pareho naming di alam kung paano yung sakayan pauwi as usuall TAXI o di ba di kami mawawala kung may taxi..kung pwede nga lng Kalesa mas gusto ko pa yung kalesa kaso baka bukas pa kami makarating hahahha...at baka maghingalo yung kabayo sa bigat ni inzan..peace!!!

Pagkasakay sa taxi....nasurprise talga ako sa bigay ni insan sa akin...
Guess what?...hmmm isang tangkay lng naman ng red rose ang binigay nya...awwwwww so sweet. :) kaso kinuha nya yung isang petal nakabuka kasi hahah..pero maganda pa rin yung rose..i like it.. Pinagmamasdan ko sya habang on the way kami kasi ang gandA talaga..super!!! Eto nga at nilagay ko sa loob ng bag para doon ko hayaang matuyo because its a nice remembrance that I have in our first date with my bestfriend..:) Cheezy!!:P